Lumabas sa isang survey na pinakamaraming stressed na manggagawa ang Pilipinas sa buong Southeast Asia.
Ayon kay John Clifton, Chief Executive ng Gallup, batay sa State of the Global Workplace: 2022 report ay nahihirapan ang mga manggagawa sa bansa sa pagpapatupad ng Filipino work-life balance.
Sa 100 Pilipinong sumagot sa survey, kalahati rito ang nagsabing ‘oo’ nang tanungin kung stress ba sa trabaho.
Sumunod sa Pilipinas sa pinakamaraming stress sa trabaho ang Thailand, Cambodia, Myanmar, Vietnam, Singapore, Laos, Malaysia at Indonesia.