Inalis na ng Pilipinas ang pagbabawal sa pagpasok ng mga Filipino travelers mula sa mga bansang nasa red list mula Enero 10 hanggang Enero 31.
Ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, ang mga fully vaccinated at hindi pa bakunadong traveler mula sa nasabing listahan ay kinakailangang gawin ang mga sumusunod:
- Magpakita ng negatibong RT-PCR test 48 oras bago umalis;
- Sumailalim sa facility-based quarantine at sumailalim sa RT-PCR covid-19 test sa ikapitong araw habang 10 araw naman sa mga hindi pa nababakunahan at
- Kumpletuhin ang natitirang labing apat na araw na quarantine sa bahay kung sila ay negatibo sa RT-PCR covid-19 test;
Sinabi rin ni Nograles na inalis na ng gobyerno ang pagbabawal sa pagpasok ng mga dayuhan basta’t sila ay fully vacinated at napasailalim sa karagdagang mga protocol. —sa panulat ni Kim Gomez