Target ng pamahalaan na buksan ang Pilipinas sa mga multinational companies partikular na iyong mga nasa pharmaceutical industry.
Ito’y para hikayatin ang mga itong magtayo ng kanilang production hub sa bansa na tiyak na makatutulong hindi lamang sa layuning mapababa ang presyo ng gamot kundi mapalakas din ang lokal na industriya nito.
Ayon kay Trade Secretary Mon Lopez, marami sa imported na mga gamot ang kakayanin namang gawin sa bansa na maliban sa murang gastusin ay tiyak na mai-aangkop pa ng mga ito sa pangangailangan ng mga pilipino.
Gayunman, inamin ni Lopez na nasa estado pa sila ng mga pag-aaral at konsultasyon ngunit nakatitiyak sila na malaki ang maitutulong nito hindi lamang sa mga may sakit na Pilipino kung hindi makalilikha pa ito ng maraming trabaho.
—-