Planong lumahok ng Pilipinas sa 2024 World Kendo Championship para sumungkit ng karangalan sa bansa.
Ayon sa United Kendo Federation of the Philippines (UKFP), kumpiyansa sila na magiging matagumpay at mangunguna ang kanilang team sa pagtatanghal sa promotional exams para maipagpatuloy ang Philippine National Kendo Tournament makaraang patawan ng sanction ng International Kendo Federation.
Layunin ng UKFP, na makabuo ng Kendo National Team bilang paghahanda sa pagbabalik ng mga kompetisyon matapos ang ilang taong restriksiyon bunsod ng COVID-19 pandemic.
Ang Kendo Sparring ay unang ginawa sa Pilipinas noong 1990s nang dalhin ito ng mga Japanese expat at lumago pa ng siyam na Kendo club sa buong bansa.