Planong mag-angkat ng Pilipinas ng pulang sibuyas sa gitna ng tumataas na presyo nito sa merkado.
Ito’y matapos matuklasan na may ilang mga vegetable vendor ang nagtataas ng presyo ng red onions na papalo hanggang sa P300 ang kada kilo.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), layunin nitong matugunan ang market demand bunsod ng mababang imbentaryo dahil sa Pebrero pa umano ang peak season nito.
sa pahayag ni DA Deputy Spokesperson Rex Estoperez, aabot sa labing tatlong libong metrikong tonelada ng pulang sibuyas ang inaasahan para sa susunod na buwan.
Plano din ng DA na bisitahin ang imbentaryo ng sibuyas sa mga cold storage facilities para matugunan ang pangangailangan ngayong holiday season.