Posibleng bumili ang Pilipinas sa Russia ng mga rocket-propelled grenade o RPG launcher at ammunition kabilang ang mga special warhead para sa urban warfare.
Ayon kay Philippine Ambassador to Russia carlos Sorreta, bumalangkas at lumagda ang mga kinatawan ng dalawang bansa sa isang amendment sa kasunduan para sa procurement ng mga RPG launcher at ammunition.
Ito, aniya, ang magiging kauna-unahang procurement ng Pilipinas ng mga armas mula Russia.
Ang mga nasabing armas ay gagamitin sa urban warfare sa gitna ng banta ng terorismo lalo sa Mindanao.
—-