Posibleng maisailalim sa pinakamababang COVID-19 Alert level ang bansa sa 2022 kung mananatiling mas mababa sa 500 ang average new daily cases hanggang sa pagtatapos ng taon.
Ayon kay Dr. Rontgene Solante, isang Infectious Disease Expert, sapat na itong dahilan o basis upang maibaba sa Alert level 1 ang buong kapuluan.
Paliwanag ng eksperto, kadalasan kasing mababa ang testing capacity kapag Disyembre dahil karamihan ay dumadalo sa mga Family gatherings kaysa mag-isolate.
Kaya naman aniya ang testing results na isinagawa ngayong holiday season ay maaaring makita pagdating ng Enero ng susunod na taon.
Sinabi pa ni Solante na may tyansa pa ring tumaas ang bilang ng COVID cases pagsapit ng ikatlo o ikaapat na linggo ng January 2022, ngunit dahil marami na ang nabakunahan ay inaasahang moderate cases na lamang ang mga ito. —sa panulat ni Hya Ludivico