Kumpiyansa ang National Economic and Development Authority (NEDA) na maaabot ng Pilipinas ang target na maging upper middle income country sa taong 2024.
Ayon kay Socioeconomic Planning secretary Arsenio Balisacan, posibleng makuha ang 6.5% hanggang 7.5% growth rate ngayong taon kung mapapanatili ang economic growth ng bansa.
Sinabi ni Balisacan na kayang maabot ng Pilipinas ang minimum gross national income na $4,250 o katumbas ng P235-K sa 2024 na pasok umano sa World Bank standard ng isang upper-middle-income country.
Sa kabila nito, tiniyak ni Balisacan na sisikapin ng pamahalaan na mai-angat ang economic performance ng bansa sa pamamagitan ng Comprehensive 8-point Economic Agenda na makakatulong rin sa paglago ng ekonomiya at pagtugon sa mataas na presyo ng bilihin at serbisyo.