Posibleng 150k metrikong toneladang asukal na lamang ang angkatin ng Pilipinas sa Oktubre sa sandaling numipis ang lokal na supply.
Ito ang inihayag ni Pangulong Bongbong Marcos ilang araw matapos niyang ibasura ang kontrobersyal na planong importasyon ng 300, 000 metric tons ng asukal.
Partikular na tinukoy ni PBBM ang Sugar Order Number 4, na resolusyong na nilagdaan nang wala niyang basbas sa kabila nang pagsisimula ng harvest season ng sugarcane sa bansa.
Sa kanyang official YouTube vlog, nilinaw ni Pangulong Marcos na may sapat pa namang supply sa bansa kaya’t hindi pa kailangang mag-angkat ng napakalaking supply ng asukal.
Bukod sa asukal, nakikipag-ugnayan na anya ang gobyerno sa ibang bansa para sa pag-import ng pataba upang mapahupa ang tumataas na presyo ng urea sa Pilipinas.