Posibleng sa taong 2023 pa makabalik sa normal ang Pilipinas.
Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng pagsalubong sa unang batch ng Sinovac vaccines mula sa China.
Ayon kay Pangulong Duterte, ang pagdating ng bakuna ay malaking tulong upang malabanan ang virus sa bansa.
Paspasan na rin ang pagbibigay ng bakuna ngayong taon para mapigilan ang paglaganap ng virus.
In about maybe early year 2023, not 2022. Ito ngayon hanggang katapusan ng buwan, paspasan tayo,” ani Pangulong Duterte.
Dagdag pa ng pangulo, oras na makaipon ang bansa ng 2-milyong doses ng bakuna ay maaari nang luwagan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) restriction upang matulungang makabangon ang ekonomiya ng bansa.
Samantala, sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez na posibleng dumating sa bansa ang suplay ng bakunang Pfizer-BioNTech sa second quarter ng 2021. —sa panulat ni Rashid Locsin