Posibleng matanggap na ng Pilipinas sa 2023 ang supply ng Monkeypox Vaccines.
Ayon kay Department of Health Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire, batay sa kanilang mga pag-uusap ay ito na ang pinakamaagang delivery ng naturang mga bakuna.
Patuloy aniya ang kanilang pakikipag-ugnayan sa pribadong sektor na nagpahayag ng intensyon na tumulong sa pag-procure ng Monkeypox Vaccines.
Sinabi pa ng opisyal na nakikipag-usap na rin sila sa ibang member-states ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) para sa pagbili ng mga bakuna kontra Monkeypox virus.