Pinangangambahan ng Department of Agriculture ang malaking posibilidad na magkaroon ng shortage sa itlog sa abril.
Ayon sa D.A., bunsod ito ng kakaunting supplier matapos malugi nuong nakaraang taon dulot ng bumabang presyo sa farm gate.
Dahil dito, anila posibleng tumaas ang presyo ng itlog sa nasabing buwan.
Gayunman, tiniyak ng departamento na ginagawa na nila upang agawang masolusyonan ang posibleng shortage.
Binigyan-diin ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Junior na patatatagin na nila ang supply ng bago pa mag-abril at posible ring mag-angkat kung sakaling magkaubusan ng itlog.
Bukod pa rito, isinusulong din ng D.A. ang agarang pag-apruba sa bakuna laban sa Avian Influenza o bird flu. – Sa panulat ni Kat Gonzales