Naniniwala ang isang eksperto na mayroon nang local transmission monkeypox virus sa Pilipinas.
Ito ay matapos makumpirma ang isang kaso ng naturang sakit sa Iloilo.
Ayon kay Infectious Disease Expert Dr. Rontgene Solante, importanteng malaman ng Department of Health (DOH) ang nakasalamuha ng pasyente na sinasabing may monkeypox.
Aniya, isang magandang indikasyon na nakita ng mga dalubhasa ang kaso ng monkeypox sa Pilipinas.
Sinabi naman ni DOH-OIC Maria Rosario Vergeire, na inaalam nila kung may nakasalamuhang banyaga ang sinasabing pasyente dahil ang ibang nakasalamuha ng pasyente ay hindi umano nagpakita ng sintomas ng nasabing sakit.