Naniniwala ang isang infectious disease expert na mayroon nang local transmission monkeypox virus sa Pilipinas matapos makumpirma ang ika-4 na kaso ng monkeypox sa bansa.
Sa panayam ng DWIZ kay Dr. Rontgene Solante, ipinaliwanag nito na isa sa mga indikasyon ay hindi bumiyahe o walang travel history sa ibang bansa ang mga pasyente.
Gayunman, mahalaga anyang matukoy ng Department of Health kung sino ang mga nakasalamuha ng ika-4 na Pilipinong tinamaan ng virus.