Naniniwala si dating National Task Force Against Covid-19 Medical Adviser Dr. Ted Herbosa na maaaring nasa endemic stage na ang naturang sakit sa bansa.
Gayunman, nilinaw ni Herbosa, hepe ng emergency medicine ng U.P. – P.G.H. Na kailangan pa ring hintayin ng Pilipinas ang rekomendasyon ng World Health Organization bago magdeklara ng endemic stage.
Hangga’t mayroon anyang mga sumusulpot na mga bagong sub-variant ng omicron ay tila malabo pang tumungtong sa nasabing estado ang bansa.