Posible umanong tanghalin bilang world’s largest producer ng mga alimango o mud crabs ang Pilipinas.
Ayon kay Dr. Dalisay Fernandez ng Inland Aquatic Research and Development ng Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development (PCAARRD), pangalawa ang bansa sa China pagdating sa dami ng mga alimango.
Sinabi ni Dalisay na tinatayang 16,000 metriko tonelada ang produksiyon ng mud crab sa Pilipinas.
Iginiit pa ng opisyal na pumalo sa 100 milyong dolyar ang halaga ng produksyon ng alimango noong 2012.
Nilinaw naman ni Dr. Felix Ayson na kailangan lamang turuan ang mga tao na huwag manghuli ng mga maliliit na alimango upang dumami ang mga ito.
By Jelbert Perdez