Pinangangambahang nagagamit na ang Pilipinas bilang transhipment point ng cocaine.
Pahayag ito ni Derrick Carreon, Spokesman ng PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency matapos ang sunod-sunod na tangkang pagpuslit sa bansa ng cocaine sa mga nakalipas na linggo.
Ayon kay Carreon, walang matatag na merkado sa Pilipinas ang cocaine kayat mas malaki ang posibilidad na ginagawa lamang tawiran ng sindikato ang Pilipinas.
Bahagi ng pahayag ni PDEA Spokesman Derrick Carreon
Tiniyak ni Carreon na hindi lang transportation o posession ang maisasampang kaso laban sa mga nadakip na nagtangkang magpasok ng cocaine sa bansa.
Una rito, isang Pinoy ang dinakip sa NAIA na may dalang 4.8 kilos ng cocaine na sinundan ng tatlong dayuhan na may dalang 130 milllion halaga ng cocaine at pinakahuli ang Brazilian model na may dala namang anim na kilo ng cocaine.
Bahagi ng pahayag ni PDEA Spokesman Derrick Carreon
By Len Aguirre | Ratsada Balita