Magiging prayoridad umano ng China ang Pilipinas sakaling maaprubahan na ang nilikha nilang gamot kontra COVID-19.
Ito ang pagtitiyak ni Chinese President Xi Jinping kasunod ng kanilang naging pag-uusap sa telepono ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Huwebes, Hunyo 11.
Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, maliban dito ay tinalakay din ng dalawang bansa ang paglaban sa COVID-19 at ang istratehiya para makabangon muli ang ekonomiya.
Sa panig naman ng pangulo ani Roque, hindi nito papayagang gamitin ninuman ang bansa upang labanan ang China.