Umakyat na sa ikalawang puwesto ang Pilipinas sa “vaccination rollout” sa Southeast Asia ito’y matapos umakyat sa 4,097,425 doses na ang naipamahagi sa mga mamamayan.
Sa inilabas na datos ng Bloomberg World Data, nasa kabuuang 4,097,425 doses ang bakunang naibigay na sa mga mamamayan ng Pilipinas.
Nangunguna naman ang Indonesia na may 24, 723,728 doses , nasa ikatlo ang Cambodia na may 3, 673, 639 doses , nasa ikaapat na pwesto naman ang Singapore na may 3, 407, 068, habang nasa ikalimang pwesto ang Myanmar na may 2, 994,900 doses.
Habang nasa top 13 ang Pilipinas sa 47 bansa sa Asya at ika-37 mula sa 196 na bansa sa buong mundo.
Umabot na sa 4-milyong Pilipino ang nabakunahan sa buong bansa.
Samantala, sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na maaaring madoble ang bilang sa Hunyo dahil isasalang ang mga economic frontliners at indigenous population sa patuloy na pagdating ng mga bakuna sa bansa.
Aniya, posible na rin maaabot ang herd immunity bago matapos ang taon.