Tiniyak ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR na ligtas nang kumain ng iba’t ibang uri ng pagkaing dagat o seafoods.
Ito’y makaraang ideklara ng BFAR na red tide free na ang buong bansa matapos mag-negatibo sa red tide toxins ang mga tubig mula sa binabantayan nilang mga karagatan.
Dahil dito, sinabi ng BFAR na maaari nang kumain ng isda, pusit, hipon at alimango basta’t lilinisin lamang itong maigi at tatanggalin ang mga lamang loob bago lutuin.
Magugunitang inilagay ng BFAR sa red tide watch ang ilang karagatang sakop ng isla ng Panay gayundin sa pagitan ng mga lalawigan ng Samar at Leyte makaraang magpositibo ito sa paralytic shellfish poison.
By Jaymark Dagala