Sa Enero pa sa susunod na taon magkakaroon ng sapat na suplay ng sibuyas ang Pilipinas.
Ito ang sinabi sa DWIZ ni Rosendo So, chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), kasabay ng una nitong panawagang kailangan nang mag-angkat ng toneladang sibuyas ang bansa sa gitna ng kakulangan nito sa merkado.
Ayon kay so, sa enero pa maaaring anihin ang mga pulang sibuyas dahil oktubre lang ito itinanim.
Dahil dito, nanawagan si so sa gobyerno na mag-angkat muna ng sibuyas ngayong disyembre, lalo’t magkukulang ang suplay.
Batay sa huling datos, nasa 30 hanggang 35 ang presyo ng importation price ng sibuyas.
Umaasa naman si So na ibaba ito at malagyan na rin ng Suggested Retail Price (SRP).