Top 7 ang Pilipinas sa list of fastest-growing remote work hubs sa buong mundo. Batay ito sa inilabas na ranking ng World Economic Forum na base sa Nomad List, isang platform na may higit 10,000 members.
Matatandaang hinihikayat ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang foreign businesses na mag-invest sa Pilipinas dahil sa highly-skilled at English-speaking workforce nito. Bukod dito, dahil sa stable at high-level economic growth ng Pilipinas, naging attractive investment destination ito para sa Japanese businessmen na naging viral naman sa social media.
Maituturing na remote work ang isang trabaho kapag ginagawa ito ng mga empleyado sa kanilang tahanan, pribadong opisina, o kahit saang hindi sakop ng traditional corporate office. Sa ganitong klase ng setup, kadalasang hina-hire ng foreign clients ang mga Pilipino para sa kanilang business. Kabilang dito ang mga trabaho ng copywriter, social media manager, customer service representative, virtual assistant, at iba pa.
Maaalala noong September 27, 2023, pinirmahan ni Pangulong Marcos Jr. bilang batas ang Republic Act No. 11962 o mas kilala bilang Trabaho Para sa Bayan Act. Layon ng batas na ito na malutas ang iba’t ibang hamon sa labor sector ng bansa gaya ng low quality jobs, skills mismatch, unemployment, at underemployment. Through upskilling at reskilling, palalakasin ang employability at competitiveness ng mga Pilipino. Tutugunan din nito ang pangangailangan ng mga manggagawa na i-update ang kanilang skills at i-promote ang paggamit ng digital technologies. Sa pagsulong ng paggamit ng digital and modern technologies, mas dadami ang job opportunities para sa mga Pilipino, kabilang na ang remote work.
Sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong October 6, 2023, mapapansin ang significant improvement ng labor sector sa bansa. Mula sa 5.3 percent noong August 2022, bumaba sa 4.4 percent ang unemployment rate ng Agosto ngayong 2023. Bumaba rin ang underemployment rate sa bansa mula sa 15.9 percent noong August 2022 hanggang sa 11.7 percent nitong August 2023.
Sa mga aksyon ni Pangulong Marcos Jr., makikita ang dedication at commitment niya sa pagbibigay ng high-quality at well-paying jobs para sa mga Pilipino. Pati na rin ang ibang bansa, napapansin at nabibigyan ng pagkilala ito.