Nagpapakita ng interes ang mga negosyante sa Japan na palakasin ang kanilang partnership sa Pilipinas. Resulta ito ng patuloy na paglago ng ekonomiya ng bansa sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. Lubos namang hinangaan ang balitang ito ng mga netizen.
Attractive investment destination para sa mga Japanese businessmen ang stable at high-level economic growth ng Pilipinas.
Ayon sa pinakahuling pag-aaral ng Organization for Economic Cooperation and Development, naipakita na posibleng lumago pa sa 5.6% ang ekonomiya ng bansa ngayong 2023. Batay rin sa nasabing forecast, mayroong pinakamataas na economic growth projection ang Pilipinas kumpara sa lahat ng mga bansang miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Ayon sa chair ng Japanese Chamber of Commerce and Industry (JCCI) na si Ken Kobayashi, naaakit ang mga Japanese investors na i-develop ang kanilang mga operasyon at negosyo sa Pilipinas dahil sa inaasahang increased workforce population at domestic demand.
Ang JCCI ang pinakamalaking business organization sa Japan. Sa kasalukuyan, mayroon itong 1.25 million companies na binubuo ng mga malalaking korporasyon, pati na rin ng small and medium-sized enterprises.
Ayon kay Kobayashi, priority ng Socioeconomic 8-Point Agenda ni Pangulong Marcos Jr. ang social security at development ng human capital. Itinatatag at pinapalakas nito ang investment promotion, digital infrastructure, at green economy na makapaglilikha ng mga trabaho. Inaasahan na sa mga larangang ito, magkakaroon ng pagsulong sa kooperasyon sa pagitan ng Japan at Pilipinas.
Bilang response, kinilala naman ni Pangulong Marcos Jr. ang patuloy na assistance ng Japan sa Pilipinas pagdating sa infrastructure development.
Matatandaang kamakailan lang, naging productive ang pagdalo ni Pangulong Marcos Jr. sa ikaunang ASEAN-Gulf Cooperation Council summit dahil nakapag-uwi siya ng mga kasunduang makapagbibigay ng higit sa 220,000 na trabaho at tinatayang $4.2 billion na kita para sa bansa.
Sa patuloy na pagbubukas ng ekonomiya para sa foreign investors, makatitiyak tayong mas sisigla pa ang ekonomiya ng bansa sa ilalim ng administrasyong Marcos.