Nasungkit ng Pilipinas ang ika-sampung gintong medalya sa nagpapatuloy na Southeast Asian o SEA Games na ginaganap sa Kuala, Lumpur Malaysia.
Ito ay matapos pagharian ng Pinoy athlete na si Aries Toledo ang men’s decathlon.
Nakalikom si Toledo ng 7,443 points mula sa sampung track and field events.
Tinalo ni Toledo ang Thailand na may silver medal at Vietnam na nakuntento na lamang sa bronze medal.
By Ralph Obina