Sinuspinde na ng Pilipinas ang relasyong pangkalakalan nito sa North Korea.
Ayon kay DFA Secretary Alan Peter Cayetano, ito ay bilang tugon sa resolusyon o sanction na ipinataw ng United Nations Security Council hinggil ng patuloy na missile test ng Hilagang Korea.
Sinabi ni Cayetano palasyo na mismo ang nagsabi na suportahan ang UN Security Council sa usaping ito.
Ang Pilipinas ay ang ika limang pinakamalaking trade partner ng North Korea kung saan aabot sa 28 Million Dollars ang bilateral trade nito mula Enero hanggang Hunyo ng taong kasalukuyan.
Nuong 2016, tinatayang nasa 28.8 Million Dollars na halaga ng mga produkto ang inaangkat ng NOKOR sa Pilipinas.