Idineklara ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na storm-free ang bansa hanggang sa huling araw ng Enero.
Ayon sa PAGASA, wala silang namo-monitor na anumang weather disturbance sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) na posibleng maging tropical cyclone sa susunod na tatlong araw.
Kasabay nito, sinabi ng PAGASA na patuloy na nakakaapekto ang northeast monsoon o hangin amihan sa Luzon at Visayas.
By Meann Tanbio