Sumampa pa sa ika-50 ang ranking ng bansa sa Bloomberg’s COVID Resilience Index ngayong buwan.
Ito ay mula sa ika-53 pwesto kung saan batayan nito ang pagtugon sa COVID-19 pandemic kabilang ang virus containment, healthcare quality, vaccination, pangkalahatang mortality at international travel restrictions.
Nakakuha ang bansa ng 51.8 na iskor at naunahan ang Russia, Hong Kong at Pakistan na nasa ika-51 at ika-53 pwesto.
Ang Bloomberg’s COVID Resilience Index ay isang assessment kung paano natutugunan ng isang bansa ang pandemya. —sa panulat ni Airiam Sancho