Kumpiyansa ang delegasyon ng Pilipinas sa Singapore SEA Games na mahihigitan nila ang performance nila 2013.
Ayon kay Philippine Sports Commission Chairman Richie Garcia, target nila ngayong SEA Games ang ikatlo o ika-apat na puwesto sa medal standings.
Inamin ni Garcia na mahgirap ang gagawing laban pero nangako aniya ang mga atleta na kanilang ibubuhos ang lahat para makapag-uwi ng gintong medalya.
Ilan sa mga event na inaasahang makapag-uuwi ng gintong medalya ang Pilipinas ay mula sa volleyball, basketball, wushu, billiards, athletics, baseball at softball.
Ang 28th SEA Games ay pormal na magbubukas sa Hunyo 5 at magtatapos sa Hunyo 16 sa Singapore.
By Ralph Obina