Gumawa ng kasaysayan ang Pilipinas sa larangan ng international labor matapos tanghalin bilang vice chair ng makapangyarihang International Labor Organization (ILO).
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ito ang kauna-unahang pagkakataon sa loob ng 100 taon na nahalal ang isang observer-nation bilang pangalawang tagapangulo ng organisasyon.
Maliban dito, sinabi ni Labor Attaché Cheryl Daytec na awtomatikong aakyat ang bansa sa chairmanship post ng government group kapag napaso na ang termino nito bilang vice chair sa susunod na taon.