Mas maghihigpit pa ang Pilipinas sa pagsasagawa ng military exercises sa ibang mga bansa tulad ng amerika kung mananatiling suspendido ang termination ng visiting forces agreement (VFA).
Ito ang inihayag ng Department of National Defense (DND) kasunod ng paglaya ni US Marine Lance Cpl. Joseph Scott Pemberton na suspek sa pagpatay kay Pinay transgender Jennifer Laude noong 2014.
Ayon kay Defense Spokesman Dir. Arsenio Andolong, dahil sa COVID-19 pandemic, wala munang inilalargang pagsasanay ang Pilipinas sa alinmang kaalyadong bansa nito.
Tiniyak naman ni Andolong na nagkakaroon naman ng tapatang diskusyon sa pagitan ng Pilipinas at Amerika lalo’t kung may mangyayaring mga kahalintulad na insidente tulad ng kay Pemberton.