Tiyak na mahaharap sa mas malaking hamon ang Pilipinas sa laban sa Delta variant.
Ito ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion ay kaya’t makatuwiran lamang ang ginawa ng pribadong sektor na isulong ang dalawang linggong ECQ sa Metro Manila.
Sinabi ni Concepcion na mas mabuting ipatupad ang ECQ ngayong buwan para maprotektahan ang fourth quarter ng mga micro, small and medium enterprises at mga malalaking kumpanya.
Sa panahon aniya ng fourth quarter kadalasang nakakabawi ng kanilang kita ang mga negosyante dahil natataon ito sa christmas season.
Binigyang diin ni Concepcion na kapag hindi pa kumilos ang gobyerno, posibleng tumagal pa ng isa hanggang dalawang buwan ang ECQ sa halip na dalawang linggo lamang.