Pang 98 ang Pilipinas sa buong mundo sa may bukas-palad o generosity.
Ito ay batay sa isinagawang survey ng World Giving Index 2023 sa 142 na bansa.
Nakakuha ang Pilipinas ng 34 score kung saan nasa 57% ng mga respondent mula sa Pilipinas ang nasabing tumutulong sila sa strangers o hindi kakilala.
Habang 12% ang nagsabing nag-donate sila ng pera sa mga kawanggawa at 34% ang nagboluntaryo ng oras para sa isang organisasyon.
Nanguna naman ang Indonesia sa sa world ranking sa ikaanim na sunod na taon na may index score na 68, sinundan ng ukraine, Kenya, Liberia at Estados Unidos.