Bigo ang Pilipinas na makapasok sa quarter finals ng FIBA 3×3 World Cup na ginaganap sa Nantes, France.
Ito ay sa kabila ng pagkapanalo ng Pilipinas laban sa koponan ng El Savador sa score na 21 -14.
Pinangunahan naman nila Kiefer Ravena at Jeron Teng ang koponan na kapwa nakakuha ng tig-7 puntos.
Bumagsak lamang sa ikatlong pwesto ang Pilipinas na may dalawang panalo at dalawang talo.
Umabante naman ang Slovenia at France na pasok na sa quarter finals.
By Krista de Dios
Photo: FIBA