Umaasa ang Pilipinas na maaabot ang karagdagang financial support na 30 bilyong japanese yen o katumbas ng 73 bilyong piso mula sa Japanese goverment.
Ayon sa Department of Finance (DOF), ito ay para masuportahan ang mass COVID-19 vaccination drive ng bansa sa ilalim ng Duterte administration.
Ang panukalang loan financing ay kasunod ng limampung bilyong Japanese yen o tinatayang P23 billion na nilagdaan ng Pilipinas at Japan noong July 2020 bilang suporta sa COVID-19 response and economic relief efforts ng pamahalaan.
Sa ngayon, target ng administrasyon na mabakunahan ang nasa 90 milyong Pilipino bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte. - sa panulat ni Angelica Doctolero