Nananatili ang pangako ng Pilipinas para tiyakin ang pangmatagalang kapayapaan sa bansa sa kabila ng pagbagsak ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng komunistang grupo.
Ito ang tiniyak mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Norwegian Special Envoy for Peace Process Idun Tvedt nang magpulong ang dalawa sa Panacan, Davao City kahapon.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque,tiniyak ni Tvedt sa Pangulo ang patuloy nitong pagtulong sa Pilipinas para mapagkasundo ang pamahalaan at ang mga komunista bilang third party facilitator.
Kasunod nito, iginiit naman ng Pangulo ang mariing pagtutol nito sa demand ni CPP-NPA Founding Chair Jose Maria Sison na magbuo ng coalition government dahil sa paniniwalang labag iyon sa batas at posibleng magdulot ng gulo sa buong bansa.
Posted by: Robert Eugenio