Umabot na sa higit 200 ang bilang ng mga medalyang nasungkit ng mga atletang Pilipino sa 30th Southeast Asian (SEA) games.
Tulad ng inaasahan, pinadapa ng Gilas Pilipinas ang Myanmar sa score na 136-67 sa kanilang laro na ginanap sa Mall of Asia Arena ngayong Sabado, Disyembre 7.
Dahil dito, hawak na ngayon ng Gilas ang 3-0 record sa group a matapos nilang ilampaso ang Singapore at Vietnam kamakailan.
Ang Myanmar ay ranked no. 163 ng FIBA na napakalayo sa Pilipinas na ranked no. 31.
As of 8 p.m. ngayong Sabado, hawak na ng mga Pinoy ang 85 gold, 63 silver, at 64 bronze medals para sa kabuuang 212 medals.