Sumampa na sa ika-11 puwesto ang Pilipinas sa terrorism index.
Ibig sabihin, isa ito sa mga bansa sa buong mundo na apektado ng mga nagaganap na terorismo.
Ayon sa Global Terrorism Index na isinagawa ng Institute for Economic and Peace para sa taong 2015, bahagya umanong gumanda ang rekord ng bansa mula sa ika-9 na puwesto nito sa 2014 index.
Sinasabing pumalo na sa mahigit 300 insidente na may kaugnayan sa terorismo ang naganap sa Pilipinas kung saan mahigit 200 ang nasawi at mahigit 300 naman ang nasugatan.
Subalit, partikular namang tinukoy sa terrorism index ang grupong New People’s Army o NPA bilang isa sa mga responsable sa mga nagaganap na terorismo sa bansa.
By Jelbert Perdez