Sumampa na sa ikalimang pwesto ang Pilipinas sa mga bansa na nakapagbakuna ng pinaka-maraming tao laban sa COVID-19 sa loob ng isang araw.
Ito ay ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, ay makaraang ilarga ng gobyerno ang National Vaccination Day, kung saan mahigit 2.5 million ang nabakunahan sa unang araw pa lamang.
Base sa datos ng National Vaccination Operations Center sa paggulong ng bakunahan, bayanihan, pinakamaraming bakuna ang naiturok sa Region 4-A na aabot sa 366,000 na sinundan ng Regions 3, 6 at 7.
Samantala, nangunguna pa rin ang China na mayroong 22 million; India, 19 million; U.S., 3.4 million at Brazil, 2.6 million. —sa panulat ni Drew Nacino