Umakyat sa ika-apat na puwesto ng official medal tally ang Pilipinas matapos muling madagdagan ang medalyang nasungkit ng mga Pinoy athlete sa 31st Southeast Asian (SEA) Games sa Hanoi, Vietnam.
Ayon sa Philippine Sports Commission (PSC), nasa 219 na ang mga medalyang napanalunan ng mga lumahok na atleta sa ibat-ibang events.
Sa nasabing bilang, binubuo ito ng 50 gold medals; 69 na silver medals; at 100 bronze medals.
Sa ngayon nangunguna parin ang Vietnam sa pinakamaraming nasungkit na medalya na may 437; sinundan ng Thailand na mayroong 323; at Indonesia na mayroong 235.