Lalo pang umangat ang Pilipinas sa listahan ng mga pinakamasayahing bansa sa buong mundo batay sa World Happiness Report ng United Nations (UN).
Batay sa World Happiness Index, umakyat sa ika-72 ang ranggo ng Pilipinas sa mga pinakamasayang bansa sa mundo ngayong taon.
Mas mataas ito ng sampung (10) notches mula sa dating ika-82 ranggo ng Pilipinas noong isang taon.
Nanguna sa nasabing listahan ang Norway na sinundan naman ng mga bansang Denmark, Iceland, Switzerland at Finlad sa Top 5 sa mundo.
Sa rehiyon naman ng Asya, nanguna ang Singapore sa pinakamasayang bansa na nasa ika-26 na puwesto sa overall ranking.
Samantala, bumaba naman ang ranggo ng Amerika sa mga pinakamasayahing bansa sa mundo sa ika-14 na puwesto ngayong taon mula sa ika-13 puwesto noong isang taon.
By Jaymark Dagala
Photo Credit: Raoul Esperas (Patrol 45)