Lumagda sina Finance Sec. Benjamin Diokno at World Bank Country Director Ndiamé Diop sa 4 na loan agreements na nagkakahalaga ng $1.14 Billion o P 63.5 – B .
Gagamitin ito sa mga inisyatibo ng gobyerno sa pagpapabilis ng pagbangon ng ekonomiya, pagpapalakas ng climate resilience, pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon, at pag-develop sa Agrikultura at Fisheries sector.
$276 – M ang gagamitin sa mga proyekto ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources partikular ang Mindanao Inclusive Agriculture Development Project, at Philippine Fisheries and Coastal Resiliency Project.
Ilalaan naman ang $ 110 – M sa teacher effectiveness and competencies enhancement project ng Department of Education, o ang pagtataguyod ng pantay na access sa de-kalidad na edukasyon sa kindergarten hanggang Grade 6 sa Zamboanga Peninsula, Soccsksargen, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
$750 – M naman ang magiging budgetary support sa Philippines First Sustainable Recovery Development Policy Loan para sa pangangalaga sa kapaligiran at climate resilience. - sa ulat mula kay Gilbert Perdez (Patrol 13).