Lumagda na ng kasunduan ang Pilipinas at South Korea para sa P 3-B utang na gagamitin para sa imprastruktura at “Green” projects sa bansa.
Mismong sina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Korean Ambassador to the Philippines Kim In-Chul ang lumagda sa kasunduan na may temang “Framework arrangement concerning loans from the economic development cooperation fund o (EDCF)” mula 2022 hanggang 2026.
Nagpasalamat naman si Manalo sa South Korea at sinabing inaasahan niyang magiging mabunga ang pakikipag-ugnayan ng bansa para sa mabilis, matatag, malaki at patuloy na kontribusyon ng korea sa sosyo-ekonomikong pag-unlad sa Pilipinas.
Ang South Korea ang ika-6 na pinakamalaking official development assistance OODA source ng Pilipinas noong 2021.