Aabot sa 150 million euros o katumbas ng P9-B ang inutang ng Pilipinas sa France para matugunan ang pagsisikap ng pamahalaan kontra Climate Change.
Sa press release na inilabas kahapon, sinabi ng French Development Agency o Agence Française de Développement (AFD) na nagsagawa sila ng Ceremonial Exchange of Documents kasama ang Department of Finance para sa nilagdaang kasunduan nitong December 29, 2022.
Layon nitong tulungan ang climate-vulnerable na Pilipinas sa pagkamit ng itinakdang target nito sa pagpapagaan ng greenhouse gas emissions.
Tiniyak naman ni Michèle Boccoz, Ambassador ng France sa Pilipinas na mananatiling kabahagi ng bansa ang France laban sa Climate Change.
Ang AFD Loan ay bahagi ng pinagsamang policy-based na loan na katumbas ng 390 million euros na nakatakdang matanggap ng bansa.
Ang natitirang 250 million us dollars naman ay magmumula sa Asian Development Bank Loan na nilagdaan noong Hunyo noong nakaraang taon.