Ang Pilipinas ang nanguna sa mga bansa na may pinakamaraming pinapatay na tagapagtanggol ng karapatang pantao sa labas ng Latin America.
Batay sa report ng Front Line Defenders, 31 human rights activists ang napatay sa Pilipinas sa unang 11 buwan lamang ng 2015.
Pinakamapanganib namang lugar para sa mga human rights activists ang Latin America.
Sa 156 na napatay na human rights defenders nitong 2015, halos kalahati sa mga ito ay mula sa Latin America at Columbia.
Kalimitang biktima ng pagpatay ay ang mga lumalaban sa mga malalaking mining projects at logging na ginagawa sa mga lupaing pag-aari ng mga katutubo.
By Len Aguirre