Nakuha ng Pilipinas ang una na pwesto sa pagkakaroon ng pinakamatinding traffic congestion sa 387 Metro Areas sa mundo.
Ito’y batay sa Tomtom Traffic Index, kung saan umabot sa 25 minutes at 30 seconds ang average travel time sa National Capital Region sa kada sampung kilometro nitong nakaraang taon, kumpara sa 24 minutes at 50 seconds na naitala noong 2022.
Kaugnay nito, mayroon ding 52% na Congestion level ang Metro Manila.
Pumapangalawa naman ang Lima , Peru sa pinakamalalang trapiko na aabot sa 24 minutes at 20 seconds kada sampung kilometro.
Sinundan ito ng Bengaluru, India na nasa 23 minutes at 50 seconds, at Sapporo, Japan na aabot sa 23 minutes at 30 seconds ang average travel time kada 10 kilometro.
Bukod dito, isiniwalat ng Dutch Multinational Company na noong nakaraang taon, biyernes mula 5 p.m. hanggang 6 p.m. ay ang pinaka-worst day para sa mga motorista na tumatagal ng 35 minutes at 30 seconds kada sampung kilometro. – sa panunulat ni Charles Laureta