Iginiit ng Department of Energy ang pangako ng Pilipinas na unti-unting paglipat sa clean energy mula sa fuel energy bilang pakikilahok sa 2021 United Nations Climate Change Conference o COP26.
Ayon sa DOE, nananatili ang suporta ng Pilipinas sa clean energy upang makatulong sa paglilinis ng kapaligiran.
Kabilang sa mga ipinangako ni energy secretary Alfonso Cusi ang gawing abot-kaya ang clean energy at bigyan ng trabaho ang mga manggagawang naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Nananawagan naman ang kalihim sa iba pang bansa na makibahagi rin sa climate justice lalo’t lumalala na ang epekto ng climate change sa kabila ng hindi pagiging major emitter ng greenhouse gases ng ilang bansa, tulad ng Pilipinas.—mula sa panulat ni Drew Nacino