Uutang muli ng 600 milyong dolyar o katumbas ng halos 35 bilyong piso ang Pilipinas sa World Bank.
Ito ay para masuportahan ang reporma sa bansa na makatutulong upang makamit ang matatag na sektor ng pananalapi.
Sa ika-20 ng Disyembre inaasahang aaprubahan ng World Bank ang uutangin ng Pilipinas na ikalawang Financial Development Policy Financing na ng bansa.
Noong 2021, nang inaprubahan ng World Bank ang 400 milyong dolyar na inutang ng Pilipinas na ginamit para sa pagrekober mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.