“Very low risk” na sa COVID-19 ang Pilipinas habang nakakaranas ngayon ng surge ang katabi nitong mga bansa gaya ng Vietnam, Malaysia, Singapore, at Brunei.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, nakapagtala ang Pilipinas ng Average Daily Attack Rate (ADAR) na 0.47 ng bansa noong march 18, at seven-day average na 527 na mga kaso.
Habang nasa negative 22% naman ang COVID-19 growth rate ng bansa.
Matatandaang noong Martes nang ianunsyo ng Department of Health (DOH) na low risk na sa COVID-19 ang pilipinas.
Samantala, iniulat rin ng OCTA na “very low risk” na rin sa naturang sakit ang Timor Leste, Taiwan, Cambodia, at China na may ADAR na 0.13 hanggang 0.86.
Habang ang South Korea, Vietnam, Hong Kong, Malaysia, Singapore, at Brunei ay nasa “severe” category, kung saan South Korea ang may pinakamataas na adar sa buong east asian countries na may 788.15.
Nasa “very high” category naman ang Japan at Thailand, habang “moderate” risk naman sa COVID-19 ang Indonesia at Laos, at “low risk” naman ang Myanmar.