Nananatiling ‘very low risk’ sa COVID-19 ang Pilipinas, sa kabila ng nararanasang ”severe outbreak” ng mga katabi nitong mga bansa gaya ng Vietnam, Singapore, at Brunei.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, bumaba sa 0.43 ang average daily attack rate (ADAR) nitong March 22, na may seven-day average na 478 cases.
Kasalukuyang nasa negative 15 percent naman ang COVID-19 growth rate ng bansa.
Nitong martes nang i-anunsyo ng Department of Health na nananatili sa ‘minimal risk’ sa COVID-19 ang lahat ng rehiyon.