Nasungkit ng Pilipinas ang International Trophy sa final match ng 2022 ASEAN Football Federation (AFF) Women’s Championship.
Ito’y matapos pataubin ng Philippine Women’s National Football Team ang Thailand sa iskor na 3-0 na ginanap kahapon sa Rizal Memorial Stadium sa Maynila.
Ayon kay Philippines coach Alen Stajcic, ang Thailand lamang ang natatanging bansang hindi pa natatalo ng pilipinas sa AFF Championship.
Matatandaang una nang pinatumba ng mga Pinoy athlete ang defending champion na Vietnam maging ang Taiwan sa semifinals ng Asian Football Confederation (AFC) Women’s Asian Cup noong Biyernes ng gabi dahilan para umabante sila sa AFF League.